Free Counters
Free Counter

Archive for September 23rd, 2005

BAgo ako magsimula, tnong lang: bakit may mga tao… kpag pumara sa jeep at huminto ito (yung tipong hindi nmn stop light, walang tumtawid, walang traffic– obvious na dahil nagpara sila..) titingin pa sa driver at magtatanong– "pwede?"… tpos, maghihintay pa tlga ng sgot sa driver bago bumaba…ang weird noh? ala lng, tnong lang diba..

Kagagaling ko lng sa national center for mental health knna… hindi ako ngpacheck up okei. Binalikan ko lng ung mga questionnaires para sa research nmin na supposedly ay two days lang nmin ikoconduct na ngaun ay nsa fifth day na. Anyway,base sa kinahinatnan ng pagod ko knna, mukhang aabot kmi sa sixth day, Karamihan ng mga respondents na pinagbigayan nmin ng questionaires ay off duty.. Hay… Actually okei lng nmn un… wala nmng kaso kung bbalik pa sa lunes…Ang gusto ko tlgang ishare ngaun ay ung nangyari sa akin bago ako napadpad sa mental.

Alas tres na ng hapon nun, nasa stop and shop na ko… Pakay ko tlgang abutan sa mental ay ang afternoon shift– sila nlng kasi ung hindi pa ngbabalik ng questionnaire. anyway, un nga…from stop shop, sumakay ako ng jeep papuntang JRU. Wla nmng nging problema, sandali lng ay nsa JRU na ko. SA JRU, pumunta ako sa terminal ng jeep na papuntang libertad at sumakay sa jeep na malapit nang mapuno. Halos puno na ung jeep kaya medyo upong panlimang piso na lang ang ikinasya n pwet ko sa upuan. Ayos nmn, komportable nmn ako. SA kabila ng msikip na mundo sa loob ng jeep, hindi pa pala ito puno tulad ng sa inaasahan ko… isang pasahero pa ang pinasakay nila at dito na nagsimula ang storya na ibabahagi ko ngaun.

Isang babae, nsa anyong 30++ ang sumakay sa jeep, nakaskirt, nka blouse na may patong na vest, may dalang bag, maayos nmn ang dating, mukhang malinis, mukhang pankaraniwang mamayan ng Pilipinas… well, un ung impression ko sa kanya hanggang sa pumasok na cya ng jeep.

Palibhasa malapit ako sa estribo (ako ang pangalawa sa pasahero n malapit sa estribo) at ang bakanteng upuan ay nsa bandang gitna, sa pagdaan nung pasahero, di ko maiwasang di mapansin ang kakaibang tingin nung ale sa akin at sa iba pang pasahero na nadaanan nya. Indi yung tipong tingin n may pagnanasa ha.. parang paranoid and dating nung tingin nya… pagdating nya dun sa bakanteng upuan, pag-upo nya, biglang nagbago ang expression ng mukha– nging blanko bigla. sa puntong ito, nag-iba ang impression ko sa kanya– magpapacheck up cguro ito sa ppuntahan ko.

Ang totoo, hindi ko nmn tlga cya gnun pinansin, medyo nweirduhan lang ako tlaga sa tingin nya, pero dedma na after nun. Gusto ko n nga tlgang wag pansinin hanggang sa pagbaba ko pero tlgang tukso ang tadhana. palibahasa bandang unahan sya at isang pasahero lang ang pgitan nmin, sa pag-abot ko ng bayad ko ay sya ang sumalo… (gnun prin ang tingin nya– medyo may bahid n ngaun ng pagka-asar –sa kadahilangn di ko alm)

Palibahasa’y buo ang ibinayad ko, sampung piso at studyante lang, umaasa ako ng sukli. SA pagbalik ng sukli, sya ulit ang nkasalo… inaasahan ko na iaabot na nya, subalit hindi… binilang pa nya muna ito. Napansin nya cguro na iniintay ko ung sukli, tinanong nya ako kung sakin ba yun.. natural tumango ako… akala ko ibibgay n nya, pero hindi prn, binilang pa nya ito ulit habang bumubulong bulong… Natakot ako n baka hindi nya ibigay ang sukli.. sa bandang huli, ang dapt na kuwatro kong sukli ay naging tres matapos kunin nung ale ang piso at ibalik sa mamang driver… gusto pa nga nya atang makipag dibate nun kung magkano ang tamang pamasahe, pero tumahimik nlng ako… napatingin nlng ako sa ibang pasahero na nangingiti sa kinasapitan ko.

Ang sandaling byahe papuntang mental ay nging mahaba dhil sa mga pinaggawa nun ale… maliban kac sa akin, lahat ng magababayad at dumadaan sa kanya ay binibilang pa nya muna. Matapos, bigla n lmang syang tatawa… sabay biglang blanko nnmn ulit ang mukha… natatakot n nga rin ung ibang pasahero kac ngging pronounce na ung pagka-unique nya at medyo mlaks n ang tawa nya pero un.. Natapos ang mahabang byahe, pagbaba ko ng NCMH. Sa pagbaba ko, napnsin ko n bumaba rin cya.. ang sabay nmin pagsakay sa jeep ay sapat na kaya nmn nagmadali akong maglakad ng sa gnun ay di kmi magkasabay… at un, dun na natapos ang storya ko ngaun.:)

Nakakalungkot isipin noh, sa kabila ng sinasabi nating free will at identity ng tao.. magkaron lang ng irregular na dmi ng asin sa sabaw ng utak ay mag-iiba na ang personalidad mo… hay.. Nway, till here na lng… may ggawin p pla ko.. ciao!

(Tlagang asa k na may kausap ka noh… feeling mo tlga may nagbabasa dito… asa k tlga… asa!!)

Comments 1 Comment »