Biyernes ng gabi sa Plaza Miranda, Quiapo Manila.
HIndi ko na matandaan kung saan ako galing… uhm… Ang totoo alam ko nmn talaga… pero-ayoko-nang-banggitin-dahil-wala-naman-kinalaman-yun-sa-gusto-kong-ibahagi-ngayon… whew..
Basta ang alam ko, nahirapan akong bagtasin ang kahabaan ng Villalobos. (ito yung street, facing the quiapo church… sa dulo nito yung Quinta Market) Sa dami nang tao at sa nagkalat na mga paninda ng mga tinde(ro/ra) na tinuring nang fiyesta ang simba ng Quiapo tuwing biyernes, para akong tumwid sa obstacle course na may mga nagbabangaang bato, madulas na sahig, mga hurdle na bilog at mga unggoy na maiingay at nandudura… Hmm… kung tutuusin, wala rin tlgang kinalaman ito sa gusto ko talagang ibahagi. hehe.. pasencya na.
Nway, ito na, nakalusot na nga ako… Plaza miranda na… mula sa kinaroroonan ko, rinig-rinig ko ang mga kanta at seremonya na ginagawa sa loob ng simbahan… Kasalukuyan nang kinakanta ang "Ama Namin". (hindi ko sure kung may kinalaman din to;)
So un, pababa ako ng underpass. Sa hagdan pababa, tulad ng dati, nagkalat ang mga julubi at street children… tulad din nang dati, nandun sa gitna ng hagdan yung mamang bulag… though this time wala yung alalay niya… okei lng– dedma.
Pasara na yung ilan sa mga store sa ilalim ng underpass… medyo manipis narin ang mga taong naglalakad… napansin kong kinakanta ko pala yung "ama namin"- dun sa part na malapit nang matapos, yung may mataas na tono– ang weird, pero tinuloy ko parin.
Paawas na q sa quezon ave… hindi iba ang hagdan na ito. Tulad nang iba, may ilang mga walang matuluyan at mga nanghihingi nang limos ang nakasalampak sa gilid ng mga palapag nito. Natural, dedma… isa pa busy ang isip ko sa ibang bagay: sakit ni tatay, pagkukunan ng pambayad sa review center, result ng board exam, oras kung kelan ako makakauwi, posibilidad na maabutan ang my girl… kinahinatnan ng bida sa pocket book na binabasa…(etcetera)
Ang pag-akyat ko sa hagdan na iyon ng Lacson underpass, tulad ng mga nakaraan gabi o kahit anong araw, ay pangkaraniwan… pero nang gabing yun, ewan ko…
Sa kalagitnaan ng monotonous na paghakbang at pagmumuni ng mga bagay bagay, bigla akong natigilan nang masulyapan ko nang di sinasadya ang isang tagpong kasalukuyang nagaganap sa itaas ng hagdang inaakyat ko.
Isang ginang na nasa anyong 70++ anyos, kulubot ang balat, puti ang buhok (mukhang di naitali nang maayos), medyo kuba, mabagal maglakad at medyo ika(marahil sa katandaan), naka-suot ng sweater na parang may ilang linggo naring hindi nalalabahan (or dahil hindi nalang niya magawang makusot ng mbuti), may dlang bag na parang sa bigat nagpatabingi ng katawan niya…kung titingnan parang sa edad niya ay pasan pa rin niya hirap ng mundong kinalalagyan…hay…medyo nakaka-"awa"? Ewan, madali talaga akong maantig ng mga geria…
Anyway, okei na un… ang kinagulat ko talaga ay nang paika siyang lumapit sa isa sa mga namamalimos na babae at abutan ng barya…. Dun ako nagulat!Nagulominhanan at nawala sa katinuan… Whaah!!! (exagge)
Hindi ko tlga alam kung anong mararamdaman…
ang totoo alam ko naman talaga…
nahihiya ako na ewan (uhm..hindi ko rin pla tlga alm).
Cguro nga nahihiya ako…
sa sarili ko, sa matandang ginang, at sa Kanya…
Gusto ko pang mag-explain…. marami pa kong nais sabihin..
pero nahihiya narin ako….
sa bantay ng computer shop!!!
ako nalng kasi ang hinihintay nila para makapagsara… whahhh!!!
Cge na, next time nalng… nkakahiya na talaga… :0
Entries (RSS)