Free Counters
Free Counter

animoy patalim… dahan-dahang bumabaon sa bawat himaymay … nararamdaman ko… habang tumatagal damang-dama ko ang pag-usad ng kirot…ang unti-unting paglala ng sakit at dusang nadarama… parang hindi ko n kaya… masakit… gusto kong humiyaw… ayawko na… pero wala akong magawa… patuloy parin sa pagbaon… sa pagkirot..

Katanghaliang tapat. Sa gitna ng malalim na pgmumuni at pagtitimbang kung maliligo ba muna o kakain ng tanghalian…

hindi sinasadyang naptingin ako sa isang papel na nakadikit sa dingding ng tulugan ko…

biglang bigla…

naalala kita…

parang tubig sa talon, sunod sunod na bumulusok ang mga ala-ala at binaha ang aking isipan…ang mga ngiti mo, ang mga kwentuhan, ang mga tawanan natin…  ang mga sinabi mo.. ang mga pangako mo…

napangiti ako…

subalit parang kisap mata, hindi ngtagal parang nahimasmasan…

animo’y natuyong disyerto, nwala ang mga masasayang ala-ala, napalitan ng kasalukuyan… ng masaklap na katotohonan…

parang may dumagan sa dibdib ko…

"nasan k n nga ba ngayon?"

naitanong ko sa sarili…

muling sumilip sa balintataw ang mga katagang binitawan mo…

ang mga salita ng pangakong hindi magawawakas…

parang may kumirot sa kaibuturan ng damdamin…

maya-maya pay, humapdi ang mata…

naliligo na pla ako sa pawis…

huminga ako ng malalim, bumuntong hininga…

tumayo ako at kinuha ang tuwalya… maliligo na ko.

Leave a Reply