Isang madilim na gabi, bagong paligo at bihis na bihis, nagmamadali kong tinahak ang landas palabas ng subdivision (may pasok ako)
I will never let you fall… ill stand up with you forever…
"ang hirap magmahal…"
Ill be there for you through it all… Even if saving you sends me…
Nakikinig sa Mp3 at ngpapaka-senti, narating ko ang pababang daan papuntang sakayan… Isa sana itong pangkaraniwang gabi kung hindi nangyari ang sumunod na eksena…
Sa paghakbang ko pababa sa nkasanayang daan, may kung anong bagay sa lupa ang tumlisod sa paa ko -shocks! Nakakahiya ito!
(Parang sa pelikula, biglang bumagal ang mundo…)
"sh*t madadapa ako!!" sabi ko sa sarili, "nakakahiya.."
Habang dahan-dahan akong napapaluhod, parang kidlat namang na-activate ang sympathetic system. Wala pang kapiraso ng segundo gumalaw na ang kaliwang braso ko para tumukod…
"Success! Naitukod ko sya!"
Akala ko tapos na ang krisis… hindi pa pala. Parang asteroid na tatama sa earth na pinsabog pero hindi nadurog, naramdaman ko na hindi pa tapos ang pagbulusok ng katawan ko…gustong gumulong nito at parang una mukha! (sh*t)
"Gravity!!" Pababa nga pala ang lugar.
Habang patuloy na hinihila ng gravity ang bigat ng aking ulo at blikat…ginawa ng katawan ko ang lahat ng paghahanda sa lhat ng pedeng mngyari… magiging masakit toh!
"Lord, ayoko pong sumubsob… grabe, nakakahiya yun.. ang gwapo ko p naman ngaun…*wink*" sabi ko sa sarili.
Ilang sandali nlng at magiging imposible na ang pagligtas, kailangang may gawin… pero ano? ang pagtungkod gamit ang kanang braso ay magiging mahirap na at maaring magtapos sa nkahihiyang posisyon.. Isa nlng ang maaring gawin…-tumambling.
Kahit kelan hindi ko pa nagagawang tumambling pero mukhang suitable ang pagkakataon… emergency ito!!!
One shot, make or break… kailangn hindi pumalya… matapos maramdaman na handa na ang katawan nag-cmula na ang counter defense - tambling.
"Lord Kayo n bahala…"
Pinikit ko ang mata at ipinaubaya na ang lahat sa adrenaline rush (at cyempre kay Lord). Parang narelease ang slow-mo button, bumilis ang mga sumunod na pangyayari.. umikot ang pagligid at biglang huminto.
Parang may mga alikabok na hinintay mag-setttledown… nagkaroon ng moment of pause. "nagtagumpay kaya?"
Parang slow-mo ko pang dinilat ang mga mata… (HIndi ko tlga alam kung nagawa ko ngang tumambling) big relief,ang mukha at katawan ko’y malayo sa lupa at isang kamay at mga paa lang ang nakasayad dito. Ang counter defense ay natapos na parang sa formation ng power ranger kung saan ako ung isa sa naka-stretch ung legs at nakabend sa lupa… not bad.
Nakaka-aliw sana ang ganong posisyon nang maalala kong nadapa parin ako at iyon ay jahe pa rin. Dagli akong tumayo,sumulyap ng mbilis sa pligid at ng-about face patungo sa destinasyong sakayan.
Habang naglalakad, nangingiti (cguro dahil sa outcome ng trahedya) kong chineck ang sarili sa mga pocibleng injuries or mess… good thing nmn wala… Bait tlga ni Lord.
I will never let you fall.. ill stand up for you forever…
ill be there for you through it all, even if saving you sends me…
"Hindi pa pala tapos yung kanta?"
Pumara ako ng jip at bumyahe na papuntang opisina.
Entries (RSS)